^

Metro

P3 milyong Fundador nabawi

-
Nabawi ng mga tauhan ng DILG-Special Operations Group Jericho ang mahigit isang libong kahon ng Fundador brandy na nagkakahalaga ng P3M na misteryosong nailabas mula sa Bureau of Customs habang naaresto naman ang isang Fil-Chinese businessman at dalawang helper nito sa isang bodega sa Masambong, Quezon City.

Kinilala ni Senior Supt. Raul Castañeda, DILG-SOG Jericho chief, ang mga naaresto na sina Ernesto Chua Tan, negosyante at ang dalawang truck helper nito na sina Jose Ramos at Edgardo Albanco.

Ayon sa ulat ni Supt. Noel Estanislao, nagtungo sa kanilang tanggapan si George Agregado na pinagkalooban ng special power of attorney ng Lip Hook International Limited na kinakatawan naman ni Mrs. Lucia O’Connor dahil sa misteryosong nailabas mula sa BOC ang kanilang inimport na 2,080 boxes ng Fundador brandy may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa isang follow-up operations ay natunton ang isang bodega na naglalaman ng mga kahun-kahon ng Fundador sa #7 Malasimbo st., Bgy. Masambong.

Kamakalawa ng hapon ay sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing bodega hanggang sa mabawi dito ang may 1,168 kahon ng Fundador habang inaresto ang sinasabing may-ari ng mga epektos na si Tan at tauhan nito.

Sinampahan ng kasong anti-fencing sa Quezon City Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Gayunman, itinanggi ni Tan na nakaw ang nasabing mga alak na ipinagkatiwala lamang sa kanya ng isang Henry Salazar dahil kumpleto umano ito sa papeles at gate pass kaya nailabas ng BOC. (Ulat ni Rudy Andal)

BUREAU OF CUSTOMS

EDGARDO ALBANCO

ERNESTO CHUA TAN

FUNDADOR

GEORGE AGREGADO

HENRY SALAZAR

JOSE RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with