^

Metro

6 obrero natabunan ng tone-toneladang trigo

-
Anim katao ang natabunan ng tone-toneladang trigo makaraang gumuho ang nililinis nilang container cyclon bin, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Isa sa mga biktima ang nasa kritikal na kalagayan na kinilalang si Renato dela Rosa, ng Napindan, Taguig. Samantala ang lima pa ay pinauwi rin makaraang magamot. Sila’y sina Jerico Babadilla, 21, ng Mandaluyong City; Arnel Maigting, 23, ng Pasig; Teddy Aceres, 20, ng Pasig; Percival Cruz, 24, ng Pasig at Edgar Agosto, 20, ng Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa Continental Milling Company sa Shaw blvd., Pasig City.

Pumasok ang mga biktima sa loob ng cyclon bin para tanggalin ang mga namuong mga trigo sa gilid nito na nagdudulot ng pagbabara at nakakapagpabagal sa paglabas ng trigo.

Sinimulang tanggalin ng lima sa mga biktima ang mga nakadikit na trigo sa gitna ng cyclon bin gamit ang ilang hagdan, habang naiwan naman sa ibaba ng lalagyan si dela Rosa.

Habang abala ang mga ito sa paglilinis ay biglang gumuho ang mga trigo na nasa kanilang ibabaw at bumuhos sa mga biktima kung saan matinding natabunan si dela Rosa dahil ito ay nakapuwesto sa pinakailalim.

Matapos ang ilang minutong paghuhukay ay saka naiahon ng mga empleyado ng pabrika ang anim pero kinailangan pang suotan ng oxygen mask si dela Rosa para makahinga hanggang sa dumating ang rescue team.

Sinisiyasat na ng pulisya kung may kapabayaang naganap para malaman kung sino ang dapat na sampahan ng kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARNEL MAIGTING

CONTINENTAL MILLING COMPANY

DANILO GARCIA

EDGAR AGOSTO

JERICO BABADILLA

MANDALUYONG CITY

PASIG

PASIG CITY

PERCIVAL CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with