^

Metro

Campaign ni Daboy nagsaksakan

-
Nabahiran ng dugo ang masayang selebrasyon ng kaarawan ni QC mayoralty candidate Rudy Fernandez kamakailan matapos maglabu-labo at magsaksakan ang mga campaign leader ng aktor.

Kritikal pa rin sa di binanggit na pagamutan ang biktimang si Danny Santiago, 28, na nagtamo ng apat na saksak ng balisong habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek na di pa nakikilala na umano’y inaanak sa binyag ni Fernandez at tumatayo ring isa sa mga campaign leader nito.

Ayon sa source na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Santiago at mga kainuman na dinaluhan ng mga supporter at matatalik na kaibigan ng aktor kabilang ang suspek ay nagtatalo kung may pag-asa nga ba si Rudy sa pagka-alkalde ng Quezon City.

Nabatid na nagbitaw ng salita si Santiago na kayod kalabaw anya ang dapat gawin ng action star para ipanlaban sa kandidato ng People Power Coalition.

Hindi umano nagustuhan ng suspek ang tinuran ng biktima hanggang sa mauwi sa pagtatalo ang usapan na humantong sa pagsasaksakan ng mga ito. Hindi naman nagawang makaawat ng iba pang kainuman sa takot na madamay.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima. Napag-alaman na posibleng putulin ang isang bituka nito na lubhang napinsala. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

AYON

DANNY SANTIAGO

FERNANDEZ

KRITIKAL

MATAPOS

NABAHIRAN

PEOPLE POWER COALITION

QUEZON CITY

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with