^

Metro

Comelec namomroblema sa ipapasahod sa 60,000 guro sa May elections

-
Nangangapa ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa suliraning pampapasuweldo nito sa karagdagang 60,000 gurong kakailanganin bilang mga canvassers sa nalalapit na nasyonal at lokal na halalan sa Mayo 14.

Sa isang panayam kay Commissioner Luzviminda Tancangco, kinumpirma nito na hindi pa napagdedesisyunan ng komisyon kung saan kukunin ang pondo na ipangsusuweldo sa mga guro, abogado at iba pang civil servants na ikinukonsiderang itatalaga sa mga presinto na magiging karagdagang canvassers sa halalan.

Sinabi ni Tancangco, ang paghiling sa karagdagang budget na ipangsusuweldo sa mga karagdagang work force ay nasa kamay na ni Chairman Alfredo Benipayo.

"It is now his responsibility to fill those financial gaps," ani Tancangco.

Matatandaang ang pasuweldo para sa mga 230 presinto lamang ang nakasama sa P2.4B budget na ipinasa sa Kongreso at hindi kasama rito ang mga guro at iba pang civil servants na magtatrabaho sa karagdagang 20,000 presinto.

Mangangailangan ng tatlong guro sa bawat presinto kaya malaking suliranin ngayon ng komisyon ang pondo para sa 60,000 karagdagang canvassers na nakatakdang pasuwelduhin ng P600 kada araw. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMELEC

COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

JHAY MEJIAS

KARAGDAGANG

KONGRESO

MANGANGAILANGAN

MATATANDAANG

TANCANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with