Mag-utol na edad 7 at 4 naaktuhang pinapatungan ang 3-anyos nene

Naagapan ng isang ina ang muntikan nang paglugso sa puri ng kanyang 3-anyos na anak na babae ng mahuli nito sa akto ang dalawang kalaro ng huli habang nasa ibabaw ng kanyang anak, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Ayon kay Jonalyn Publiko, 24, ng Vergonville subd., Pulang Lupa, nabanggit na lungsod, dakong alas-8:30 ng umaga ng hanapin niya ang anak at magbakasakaling puntahan sa bahay ng magkapatid na suspek dahil na rin sa mga kalaro ito ng kanyang anak.

Pero laking gulat ng ginang ng maabutan niya ang dalawang totoy na nakapatong na sa bata.

Nagalit ang ginang sa nakita at agad inireklamo ang magkapatid sa pulisya. Nakatakda namang tanungin ang mga magulang ng bata hinggil sa pangyayari.

Ayon sa pulisya, posible umanong naimpluwensiyahan ng ilang malalaswang babasahin ang magkapatid at naging curious hanggang sa subukang gawin sa biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments