^

Metro

DA, inulan ng bigas, isda at baboy

-
Pinagbabato ng bigas, mga isda at pata ng baboy ng grupo ng mga ralista ang gusali ng Department of Agriculture (DA) bilang pagkondena sa isyu ng mad cow disease.

Binatikos ng mga grupong Pamalakaya at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang DA sa pagsabing kailangang itigil na ng pamahalaan ang pag-aangkat ng mga frozen fish, mga produktong karne at bigas dahil hindi nito kayang pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Binigyang diin ni Rodolfo Sambajon, chairman ng Pamalakaya, na sa halip palakasin ni Agriculture Sec. Leonardo Montemayor ang lokal na industriya ng karne gayundin ng butil tulad ng bigas ay pinapayagan pa umano nito na makapag-import ang bansa ng mga frozen fish at meat products.

Bukod dito ay bilyong piso pa umano ang ginagastos ng bansa sa importasyon ng isda at karne kasama na dito ’yung tinatawag na japayuki samantalang mayroon naman tayong lokal na galunggong na mabibili rin sa kaparehong halaga. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SEC

ANGIE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KILUSANG MAGBUBUKID

LEONARDO MONTEMAYOR

PAMALAKAYA

RODOLFO SAMBAJON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with