Bata plinantsa, pinaluhod sa asin ng ama
March 3, 2001 | 12:00am
Isang 38-anyos na kawani ng Bureau of Lands ang pinaghahanap ngayon ng pulisya makaraang ipagharap ng reklamo dahil sa pagmamaltrato sa 10-anyos na anak na lalaki matapos na paluhurin nito sa asin at plantsahin ang mga kamay ng bata sa San Andres Bukid, Maynila.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rolando Calma, 38, driver ng Bureau of Lands at nakatira sa Onyx st., San Andres Bukid.
Kahapon lamang dumulog sa himpilan ng Western Police District-Women’s and Children’s Desk Division ang biktimang si Gerald, kasama ang kanilang bgy. chairman nang lumabas ito sa ospital makaraan ang dalawang araw na pagkakaratay ng nasabing bata dahil sa inabot na pagkakalapnos ng kanyang mga kamay na umabot sa third degree burn dulot ng pagkaplantsa.
Sa salaysay ng biktima, noong nakalipas na Miyerkules bandang alas-2 ng hapon nang mahuli siya ng kanyang ama habang tinutuklap nito ang sticker ng Bureau of Lands na nakadikit sa service car ng nasabing ahensya na gamit ng suspek.
Agad nag-init ang ulo ni Calma nang makita ang bata hanggang sa sigawan niya ito at tawagin. Nagulat na lamang ang bata nang paglapit ay bigla siyang paggugulpihin.
Hindi pa nakuntento ang suspek ay pinaluhod ang bata sa asin na ikinalat ng una sa sahig.
Matapos ito, kinuha ng suspek ang plantsa at isinaksak sa kuryente. Para umano magtanda ang biktima, inutusan ng suspek na ipatong ang dalawang kamay ng kaawa-awang bata sa ‘kabayo ng plantsa’ at habang hawak ng kanyang ina ang dalawang kamay nito ay walang awa itong pinlantsa.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong child abuse o paglabag sa isinasaad ng RA 7610. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended