Anak ni Cong. Asistio tiklo sa kasong robbery at droga
March 3, 2001 | 12:00am
Isa pang anak ni Congressman Luis Baby Asistio ang inaresto sa kasong robbery ng isang negosyanteng Intsik kasabay ng pagkakarekober ng umanoy ipinagbabawal na gamot dito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Si Luisito "Potchot" Asistio, 40, ng De Leon st. 10th Ave. ng nasabing lungsod ay inaresto matapos itong ipagharap ng reklamo ni Lucita Genova-Te, 41, negosyante ng 167 Capaz Galauran ng nabanggit na lugar.
Sa nakalap na impormasyon ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan police station 2, dakong alas-2:30 ng hapon nang magtungo umano si Potchot kasama ang tatlong hindi nakikilalang lalaki sa bahay ni Te at hiningian umano ng mga ito ng pera ang negosyante.
Nang walang maibigay ang biktima ay kaagad nang kinuha ng grupo ng suspek ang isang pedicab, tatlong pushcarts at mga boteng walang laman na nagkakahalaga ng P19,000 at kaagad na umalis pero muling bumalik ang mga ito dakong alas-6:30 ng gabi kung kayat napilitan umanong humingi ng police assistance si Te.
Habang iniimbestigahan sa presinto si Potchot ay kinapkapan ito ng mga awtoridad at dito nakuha mula sa pantalon nito ang dalawang plastic sachet na may shabu kayat sinampahan din ito ng kasong paglabag sa RA 6425 o Dangerous Drugs Law.
Kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City jail si Potchot at pinagpipiyansa ito ng halagang P50,000 para sa kasong robbery at P60,000 sa kasong RA 6425 para sa pansamantala nitong paglaya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest