Sinabi ni Customs Commissioner Titus Villanueva na ang kanilang nasabat na kalakal ay nakalagay sa sampung 20-footer at limang 40-footer container vans.
Nadiskubre na ang nilalaman ng container van ay mga frozen meat, bone meat at boneless meat at forequarter.
Ayon pa kay Villanueva, sa naturang shipments,10 rito ay mula sa bansang Ireland at ipinadala sa Pilipinas ng Superior Stock Farms. Ang isang 40-footer van ay galing naman sa Pacific Meat mula sa Holland habang ang tatlong 40-footer van ay galing sa Schitze International at ang isa pang 40-footer na galing din sa Alemanya ay ipinadala sa Pecanova Inc.
Sinabi ni Villanueva na ang pagkakadiskubre sa naturang kargamento ay makaraang ilang importers ang nagtangkang maglabas sa Manila International Container Port (MICP) para sa kanilang buyer sa ilang parte ng Metro Manila.
Ang naturang kargamento ay nananatili sa naturang lugar noong nakaraang ilang buwan simula nang dumating galing sa tatlong bansang Europa. (Ulat ni Ellen Fernando)