^

Metro

Nagbibisikletang mag-kuya sinalpok ng van; nene patay

-
Isang 11-anyos na batang babae ang namatay habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kuya nang mabangga sila ng isang humahagibis na cargo van habang nakasakay sila sa isang bisikleta patungo sa paaralan, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Patay na nang isugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Annabel Gacabelos, grade 5 student ng Marikina Elementary School. Kasalukuyan namang inoobserbahan sa naturang ospital ang kanyang 17-anyos na kuya na si Erick matapos na magtamo ng iba’t ibang sugat at bali sa katawan.

Agad naaresto ang driver na si Jovito Romero, 34, may asawa, tubong Plaridel, Bulacan, at empleyado ng Osaka Steel Manufacturing Inc. sa Marikina City.

Sa ulat ng pulisya, ihahatid umano ni Erick ang kanyang kapatid sa paaralan nito sakay ng kanyang bisikleta na nakaangkas sa likuran.

Dito naman sumulpot sa may JP Rizal st., Bgy. Concepcion Uno ang humahagibis na cargo van na minamaneho ni Romero at nawalan ng kontrol ang suspek at diretsong bumangga sa magkapatid na nagbibisikleta sa gilid ng kalsada.

Ayon sa mga pulis, tumalsik ng ilang metro ang batang biktima at naunang sumalpok ang ulo nito sa semento sanhi ng mabilis nitong kamatayan. Tumalsik din si Erick ngunit nagpagulung-gulong sa kalsada sanhi upang magtamo ito ng matinding pilay na maaari umanong maging dahilan ng pagiging lumpo nito.

Nakakulong ngayon sa Marikina detention cell ang suspek na si Romero at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANNABEL GACABELOS

AYON

CONCEPCION UNO

DANILO GARCIA

ERICK

JOVITO ROMERO

MARIKINA CITY

MARIKINA ELEMENTARY SCHOOL

OSAKA STEEL MANUFACTURING INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with