^

Metro

Misis umuwing lasing, nasaksak ni mister

-
Sa halip na si mister ang umuwing lasing at pagbungangaan ng kanyang misis, nabaligtad ang sitwasyon ng isang mag-asawa nang si misis naman ang umuwing lasing matapos makipag-inuman ng dalawang oras na nagresulta sa pag-aaway ng dalawa na humantong sa pagkakasaksak ng lalaki sa babae, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kritikal si Marilyn Bosie, ng Blk 23 Lot 40 Eusebio Ave., Magpayong, Bgy. Pinagbuhatan matapos masaksak sa likuran ng asawang si Abelardo na ang tama ay pinangangambahang umabot sa baga ng biktima.

Sa pahayag ni Abelardo, alas-11:45 ng gabi ng pasuray-suray na umuwi ang kanyang misis matapos niyang hintayin ito ng may dalawang oras.

Ayon sa ginang, nagpunta lamang umano ito sa kanyang kumare at nakipag-inuman hanggang sa magtalo ang dalawa.

Sa gitna ng away ay biglang kumuha ng kutsilyo si Marilyn at nagbantang isasaksak kay Abelardo, pero pinigilan ng suspek hanggang sa mag-agawan ang dalawa at di sinasadyang nasaksak ang babae. Nakatakdang ipagharap ng kaukulang kaso si mister. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABELARDO

AYON

BGY

DANILO GARCIA

EUSEBIO AVE

KRITIKAL

MAGPAYONG

MARILYN BOSIE

NAKATAKDANG

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with