^

Metro

Gatas mula sa Holland ligtas

-
Ipinahayag ng Department of Health (DOH) at National Meat Inspection Commission (NMIC) sa mamamayan na hindi dapat mangamba sa paggamit ng gatas mula sa Netherlands at Denver, Colorado dahil ligtas itong inumin gayundin ang iba pang mga imported dairy products dahil hindi apektado ng tinatawag na "Mad Cow disease".

Ayon kay NMIC executive director Efren Reyes, ang mga gatas gaya ng evaporated, condense at powder milk ay hindi apektado ng Mad Cow disease.

Samantala ay sinigurado naman ng DOH sa pamamagitan ng ahensya nitong Bureau of Food and Drugs Administration na ang mga kasalukuyang produkto na nasa merkado ay pawang sumailalim sa pagsusuri ng BFAD at napatunayan na ito ay ligtas. Ang pagsusuri ay regular na ginagawa ng BFAD.

Ayon kay Reyes, tanging mga karne lamang ng mga baka ang apektado ng Mad Cow disease at hindi ang gatas nito. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUGS ADMINISTRATION

EFREN REYES

IPINAHAYAG

MAD COW

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

REYES

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with