^

Metro

Lola naipit ng elevator, todas

-
Isang 60-anyos na lola ang minalas na masawi makaraang maipit sa lumang elevator sa gusali ng Office of the Ombudsman sa Arroceros st., Ermita, Maynila.

Nabalian ng spinal column at nadurog ang ilang bahagi ng katawan ni Lucila Boloto, vendor at naninirahan sa 2310 Legarda st., Sampaloc, Manila at namatay habang ginagamot sa Manila Medical Center.

Sa isinagawang pagsisiyasat nina Dets. Alfredo Salazar at Anthony Galang ng Western Police District-Homicide section, bandang ala-una ng hapon nang maganap ang insidente habang mag-isa umanong sumakay ng elevator coach ang biktima upang maghatid ng pagkain sa kanyang mga suki sa ikatlong palapag ng Ombudsman.

Bigla umanong huminto sa gitna ng una at ikalawang palapag ang elevator at dahil sa pagkataranta at nagmamadali ang lola, nang nakakita ito ng awang sa elevator na kasya lang ang katawan nito ay nagpilit itong lumabas pero sa hindi inaasahan ay bigla umanong umandar ulit ang elevator paitaas na naging dahilan para matangay ang naipit na lola.

Nagawa pa umanong makasigaw ng saklolo ng biktima na nakatawag ng pansin sa ilang security guard.

Nakita ng mga security guard ang lola na wala nang malay habang nakabara ang katawan nito sa elevator. Nahirapan ang mga saksi na alisin ang katawan ng biktima dahil sa tindi ng pagkakaipit nito hanggang sa isugod ito sa ospital.

Kaugnay nito ay hihilingin umano ng mga anak ng biktima na sina Kamar at Grace na mapaimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sinapit ng kanilang ina sa elevator ng Ombudsman.

Naantala naman ang pagre-report sa pulisya matapos na umano’y tangkang ilihim ang pangyayari sa awtoridad. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALFREDO SALAZAR

ANTHONY GALANG

ARROCEROS

ELEVATOR

ELLEN FERNANDO

LUCILA BOLOTO

MANILA MEDICAL CENTER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with