Ito ay makaraang makatanggap ang Comelec Committee on Firearms and Security Personnel ng mga ulat mula sa PNP hinggil sa mga nagtataglay ng mga pekeng permit.
Bunsod nito ay binalaan ni Atty. Angelina Matibag, direktor ng Education and Information Department ng Comelec ang sambayanan na mag-ingat sa mga mapagsamantala na nag-aalok ng mga pekeng permit.
Nabatid sa ulat na may kabuuang bilang na 27,855 ang nag-apply para sa exemption sa gun ban. Noong Pebrero 22 ay 13,094 lamang ang na-approve habang 987 naman ang na-deny.
Ang mga ito ay pawang galing sa PNP, AFP, security agency, gun club, transport groups at mga indibidwal na mamamayan.
Ayon kay Matibag, sisiguraduhing mapaparusahan ang sinumang mahuhuling nagtataglay ng mga pekeng gun ban exemption permit. (Ulat ni Jhay Mejias)