"Ayon sa impormasyon na aking nakalap, ang current cost na P41.10 per cubic meters ng tubig ay maaaring tumaas ng 100 porsiyento o umabot ng P103.20 sa loob lamang ng tatlong taon," ani Tañada.
Ang mga maybahay umano na nagbabayad lamang ng P118.90 sa 30 cubic meters na kanilang nakonsumo ay makakaranas ng biglang taas sa tubig ng hanggang P30.548.
Hindi umano ito magandang regalo sa mga mamamayan sa Metro Manila matapos lamang ang dalawang araw na selebrasyon ng EDSA 1.
Sinabi pa ni Tañada na lubhang mahalaga ang tubig at hindi dapat ibatay sa exchane rate ang singil nito.
Dapat umanong magkaroon muna ng public hearing ang Kongreso hinggil sa nasabing bagay bago lagdaan ng Pangulo ang nasabing panukala.
Tumaas na umano ang presyo ng LPG, tuition fees, langis at presyo ng pagkain at ang mungkahing pagtataas ng toll rates at singil sa tubig ay baka hindi na makaya ng ordinaryong consumers na hindi naman tumataas ang sahod. (Ulat ni Marilou Rongalerios)