Umbagerong mister pinagsasaksak ng mga bayaw
February 27, 2001 | 12:00am
Isang umbagerong mister ang nag-aagaw-buhay ngayon matapos itong pagtulungang saksakin ng dalawa niyang bayaw dahil hindi na umano makayanan ng mag-utol ang madalas na panggugulpi ng una sa kanilang kapatid, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Kritikal sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Remigio Cinco, 36, ng #2101 Wood st., Malibay nasabing lungsod.
Samantala nagsitakas ang magkapatid na Erwin, 22, at Edwin Villanueva, 24, residente ng nabanggit na tirahan.
Sa imbestigasyon ng Pasay police, dakong ala-una ng madaling araw ng maabutan ng magkapatid na suspek ang ginagawang pambubugbog ng biktima sa kanilang kapatid na nakilala sa pangalang Vilma.
Dahil sa nakita ay pinandiliman ng paningin ang mga suspek at bilang pagtatanggol umano sa kanilang kapatid na babae ay pinagtulungan nila itong saksakin at saka nagsitakas.
Nabatid na madalas umanong saktan ng biktima ang asawang si Vilma sa tuwing sila ay nag-aaway. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended