^

Metro

Pulis na bagong laya, balik-selda

-
Isang pulis-Maynila na kalalabas lamang sa kulungan dahil sa kasong robbery ang muling inaresto ng mga kagawad ng Western Police District-Station 1 kahapon makaraang ipagharap ng reklamo ng isa pang negosyante dahil sa panghoholdap sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang dinakip na pulis na si PO1 Francisco Bacunawa, 33, nakatalaga sa District Headquarters Support Unit at nakatira sa Magsaysay Village, Tondo.

Ang kanyang huling biktima ay nakilalang si George Cruz, 41, ng Moderna st., Balut, Tondo.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO1 Rommel Ticagan, ng WPD-Station 1, bandang alas-11:45 ng umaga nang maispatan ng mga nagpapatrulyang pulis sa Arroceros st., Ermita si Bacunawa habang papalabas sa isang restaurant sa may tapat ng Bgy. Bureau Bldg. sa naturang lugar.

Nauna rito, nabatid sa biktima na hinoldap umano siya ng suspek na si Bacunawa noong Pebrero 23, habang nakatayo ang negosyante sa tapat ng kanyang bahay at napilitang ibigay ang kanyang perang P20,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng P60,000 nang tutukan siya ng .45 kalibreng baril.

Noong nakalipas lamang na linggo, nabatid na nagpiyansa si Bacunawa sa piskalya dahil din sa kinakaharap na kasong robbery.

Dahil sa pagkakaroon ng rekord ni Bacunawa, positibo namang itinuro ng nasabing negosyante mula sa larawan ng una na siyang humoldap sa kanya.

Dahil dito, ipinag-utos na ni WPD Director Chief Supt. Avelino Razon na sumailalim sa summary dismissal proceedings ang nasabing pulis. (Ulat ni Ellen Fernando)

AVELINO RAZON

BACUNAWA

BUREAU BLDG

DAHIL

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

ELLEN FERNANDO

FRANCISCO BACUNAWA

GEORGE CRUZ

MAGSAYSAY VILLAGE

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with