^

Metro

Pedicab driver todas sa ligaw na bala

-
Tuluyan nang hindi nagising ang isang 46-anyos na binata na mahimbing na natutulog sa loob ng pedicab matapos itong mabaril ng dalawang lalaki na nagpaputok sa isang pulis, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namatay habang isinusugod sa Mary Johnston Hospital si Rodolfo Ulep, ng #1055 Dagupan st., Tondo. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa batok.

Sa pagsisiyasat ni Rodelio Lingcong, ng Western Police District-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw habang papalabas ng bahay si PO1 Nonito Binayug at makarinig ng dalawang putok ng baril.

Nakita ni Binayug ang dalawang suspek na armado ng baril at ng kanyang sitahin ay hindi tumigil ang mga ito at sa halip ay pinaputukan ang pulis.

Hindi tinamaan si Binayug pero minalas na tumama ang bala sa natutulog na si Ulep.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Iniimbestigahan ng pulisya na posibleng ang pulis ang target ng mga ito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BINAYUG

DAGUPAN

ELLEN FERNANDO

INIIMBESTIGAHAN

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MATAPOS

NONITO BINAYUG

RODELIO LINGCONG

RODOLFO ULEP

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with