^

Metro

Fil-Am player ng Pop Cola tiklo sa panggugulpi

-
Inaresto kahapon ng mga kagawad ng Pasig police ang isang sikat na Fil-Am player ng Philippine Basketball Association (PBA) habang nag-eensayo sa isang gymnasium sa Mandaluyong City.

Dinakip sa bisa ng warrant na ipinalabas ni Judge Dina Teves ng Pasig RTC na inihain ni Insp. Dominador Raymundo ang power forward ng Pop Cola Panthers na si Rudy Hatfield, binata, kasalukuyang nakatira sa Rennaisance Tower, Meralco Ave., Pasig City.

Ang pag-aresto ay bunsod ng reklamo ng mag-asawang Juan at Michelle Lara Araneta, ng Ayala Alabang, Makati City na umano’y ginulpi ni Hatfield kasama ang isa pang negrong import sa Where Else Disco na nasa loob ng Hotel Intercontinental noong nakaraang Hunyo 2000.

Kasamang inireklamo ng mag-asawa sa kasong physical injuries, unjust vexation at slight physical injuries ang American import na si Ira Clark, naglaro noon sa koponang Tanduay Gold Rhum.

Nang arestuhin ng mga pulis si Hatfield ay nakiusap ang kanyang team manager na si Elmer Yanga na hayaan na muna na matapos ang pagsasanay ng team bago nila dalhin ang player, pero hindi ito pinagbigyan ng pulis kaya napilitan si Yanga na sumama at personal na pangasiwaan ang mga papeles na aasikasuhin at agad naglagak ng P7,000 piyansa para ito makalaya pansamantala.

Sinabi naman ni Hatfield na nagulat siya sa naturang pag-aresto sa kanya dahil buong akala niya ay naayos na ang naturang gulo dahil halos isang taon na ang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYALA ALABANG

DANILO GARCIA

DOMINADOR RAYMUNDO

ELMER YANGA

HATFIELD

HOTEL INTERCONTINENTAL

IRA CLARK

JUDGE DINA TEVES

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with