^

Metro

6 magsasaka nag-hunger strike rin sa QC Jail

-
Anim na magsasaka na pawang inakusahang pumaslang sa magkapatid na anak ni Mindoro Congressman Ricardo Quintos ang nagsagawa na rin ng hunger strike sa loob ng Quezon City Jail.

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) secretary-general Danilo Ramos, sinimulan kahapon ng umaga ang hunger strike ng mga magsasaka sa loob ng QC Jail hanggang sa makamit ng mga ito ang katarungan at kalayaan.

Ang mga nagsagawa ng hunger strike ay sina Manolito Matricio, Marlon Tobias, Eddie Hermoso, Joshua Ungsod, Gelito Bautista at Ruben Balaguer na pawang magsasaka mula sa Mamburao, Mindoro.

Sinabi ng mga magsasaka na tanging tubig, asin at asukal lamang ang kanilang titikman sa panahon ng kanilang hunger strike hanggang sa pakinggan ng pamahalaang Arroyo ang kanilang kahilingan na palayain sila sa piitan.

Ang nasabing mga magsasaka ay inakusahang pumaslang sa magkapatid na Paul at Michael Quintos.

Sinabi ng KMP, dapat lamang palayain ang nasabing mga magsasaka dahil sa inamin naman ng New People’s Army (NPA) ang ginawang pagpaslang sa magkapatid na Quintos. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

DANILO RAMOS

EDDIE HERMOSO

GELITO BAUTISTA

JOSHUA UNGSOD

KILUSANG MAGBUBUKID

MANOLITO MATRICIO

MARLON TOBIAS

MICHAEL QUINTOS

MINDORO CONGRESSMAN RICARDO QUINTOS

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with