Color coding aalisin na!
February 23, 2001 | 12:00am
Nagkasundo na ang Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin na ang ipinatutupad na Color Coding sa lahat ng private at public vehicles sa Metro Manila.
Ayon kay LTO director Edgardo Abenina, batay sa kanilang napagkasunduan ni MMDA Chairman Benjamin Abalos ay nagpasya silang alisin na ang Color Coding dahil wala naman silang nakikitang tulong ang naturang batas para mapigilan ang matinding traffic sa bansa.
"May color coding o wala, wala rin namang nangyayari sa traffic natin, problema pa rin ang trapiko sa Metro Manila kaya alisin na lang natin yan," pahayag ni Abenina.
Gayunman, sinabi ni Abenina na ang pagtatanggal sa color coding ay sisimulan pa sa araw ng LTO anniversary sa Abril 27 ng taong ito.
Sa kasalukuyan anya, pinapaalis lang ang mga fixer sa LTO at ang pagbabayad ng mga traffic violator sa kanilang penalty ay sa banko na.
Una nang inalis ni Abenina ang flying squad ng LTO at ipinalit dito ang buong puwersa ng TMG-Traffic Management Group ng PNP dahil wala daw umanong naitutulong ang una sa pagsugpo sa problema sa trapiko. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended