^

Metro

'Hired killer' nasakote

-
Isang pinaniniwalaang "hired killer" na sinasabing nakapatay na ng tatlo katao kabilang ang isang doktor at engineer ang nadakip sa isang operasyon na isinagawa kamakalawa sa Parañaque City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Kalookan City Regional Trial Court, Branch 129, nadakip si Antonio Barotil, 37, isang mason, tubong Leyte at nakatira sa Sitio Wella, Brgy. Merville ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang mga naging biktima ay nakilala namang sina Dr. Jonathan Brillo, 32; Engineer Reymundo Belustrino, 32, pawang mga taga Kalookan City at isang alyas Oscar, na taga Barangay Merville ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report ng pulisya, unang pinatay ni Barotil si Oscar noong Mayo 3, 1998 sa Brgy. Merville ng lungsod na ito sa pamamagitan ng saksak sa hindi pa mabatid na dahilan at noong Mayo 28 ng nabanggit pa rin na taon ay pinagbabaril naman hanggang sa mapatay nito sina Brillo at Belustrino sa Kalookan City.

Tangka umanong magnakaw ang grupo ni Barotil sa area ng Kalookan pero namataan at nailawan ang mga ito ng isang sasakyan na sakay sina Brillo at Belustrino kaya napilitan ang suspek at grupo nito na pagbabarilin ang dalawang biktima.

Nabatid na mahigit tatlong taon na nagtago ang nasabing suspek sa lalawigan ng Zambales. Dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nagsagawa ng anti-gambling operation ang mga kagawad ng Parañaque City Police sa pamumuno ni PO1 Roderick Pascua sa Sitio Wella, Brgy. Merville.

Habang nagsasagawa ng operasyon ay lumapit sa mga ito ang isa sa pamangkin ni Oscar na hindi binanggit ang pangalan at itinip na kasalukuyang nandoon si Barotil. Humingi ng kopya ng warrant of arrest ang mga ito sa kaanak ng biktima at nadakip ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTONIO BAROTIL

BARANGAY MERVILLE

BAROTIL

BELUSTRINO

BRGY

BRILLO

CITY POLICE

KALOOKAN CITY

MERVILLE

SITIO WELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with