Pinawalang-bisa ni Judge Luisito Serdillo ng Branch 126 ang kasong isinampa ng Eternal Gardens laban kay Alfonso Enriquez dahilan sa hindi tama ang lugar na pinagsampahan ng kaso.
Sa 11-pahinang desisyon ni Serdillo, lumalabas dito na wala siyang hurisdiksyon sa civil case judicial confirmation of instrument, petition, damager, injunction at restraining order kasama na ang pagkakansela ng deed of sale na iniharap ni Alfonso laban sa mag-asawang Lilia Sevilla at Jose Seelin at sa Eternal Gardens.
Ipinaliwanag pa nito na ang kaso ay personal na kilos at hindi kasali dito ang titulo o pag-aari ng mga ari-arian kayat dapat na sundin ang rules on venue of personal actions na naaayon pa rin sa alituntunin ng korte.
Lumalabas na si Enriquez ay nakatira sa Bgy. Socorro, Cubao, Quezon City samantalang ang Eternal Gardens ay nasa Chino Roces Avenue corner dela Rosa st., Makati City ang opisina.
Dahilan dito kung kayat nasasaad sa alituntunin na ang personal action sa pagitan ng nagdemanda at nagsampa ng demanda ay kailangang nasa tamang lugar tulad ng Quezon City at Makati.
Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Enriquez at Sevilla at sa pamunuan ng Eternal Gardens nang angkinin ng una ang may 1.35 ektarya ng naturang sementeryo kung kayat hindi pinapasok ng una ang mga kamag-anakan ng nakalibing sa lupang nasasakupan noong Nobyembre 1, 2000. (Ulat ni Gemma Amargo)