^

Metro

Kasong isinampa ng Eternal Gardens laban sa ama ni Laarni, dinismis ng korte

-
Dinismis kahapon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ang kasong civil na isinampa sa ama ni Laarni Enriquez ng mga kamag-anak ng mga nakalibing sa Eternal Gardens dahil sa pag-angkin nito ng may ilang ektarya ng naturang sementeryo.

Pinawalang-bisa ni Judge Luisito Serdillo ng Branch 126 ang kasong isinampa ng Eternal Gardens laban kay Alfonso Enriquez dahilan sa hindi tama ang lugar na pinagsampahan ng kaso.

Sa 11-pahinang desisyon ni Serdillo, lumalabas dito na wala siyang hurisdiksyon sa civil case judicial confirmation of instrument, petition, damager, injunction at restraining order kasama na ang pagkakansela ng deed of sale na iniharap ni Alfonso laban sa mag-asawang Lilia Sevilla at Jose Seelin at sa Eternal Gardens.

Ipinaliwanag pa nito na ang kaso ay personal na kilos at hindi kasali dito ang titulo o pag-aari ng mga ari-arian kaya’t dapat na sundin ang rules on venue of personal actions na naaayon pa rin sa alituntunin ng korte.

Lumalabas na si Enriquez ay nakatira sa Bgy. Socorro, Cubao, Quezon City samantalang ang Eternal Gardens ay nasa Chino Roces Avenue corner dela Rosa st., Makati City ang opisina.

Dahilan dito kung kaya’t nasasaad sa alituntunin na ang personal action sa pagitan ng nagdemanda at nagsampa ng demanda ay kailangang nasa tamang lugar tulad ng Quezon City at Makati.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Enriquez at Sevilla at sa pamunuan ng Eternal Gardens nang angkinin ng una ang may 1.35 ektarya ng naturang sementeryo kung kaya’t hindi pinapasok ng una ang mga kamag-anakan ng nakalibing sa lupang nasasakupan noong Nobyembre 1, 2000. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALFONSO ENRIQUEZ

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

CHINO ROCES AVENUE

ENRIQUEZ

ETERNAL GARDENS

GEMMA AMARGO

JOSE SEELIN

JUDGE LUISITO SERDILLO

LAARNI ENRIQUEZ

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with