^

Metro

10 WPD pulis nakatakdang arestuhin sa kasong double murder

-
Nakatakdang arestuhin anumang oras ng Western Police District ang sampung pulis-Maynila na brutal na nakabaril at nakapatay sa dalawang Muslim kamakailan na hinihinalang pawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay WPD Director Chief Supt. Avelino Razon, hinihintay na lamang nila ang warrant of arrest na magmumula sa Manila Regional Trial Court upang ipatupad ang pag-aresto at disarmahan ang mga pulis na sina SPO4 Wilson Tirso Tibor, pangulo ng Manila’s Finest Brotherhood Association at mga kasamahang sina SPO4s Remigio N. Estacio, Benedicto Rodriguez, SPO3 Edgardo G. Abaya, SPo2 Julian M. Sibiran, SPO2 Eduardo M. Ramos, PO3 Randy Dimayuga, PO2 Ronald Hernandez, PO2 Philip Malindog at PO1 Ignacio Garlan, pawang nakatalaga sa WPD-District Police Intelligence Unit (DPIU). Walang inirekomendang piyansa (no bail) ang piskalya ng DOJ sa mga naturang pulis para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang kasong double murder na isinampa sa mga nabanggit na pulis ay bunga sa pagkakapatay ng mga ito sa mga biktimang sina Esmael Omar, 35, tubong Tukanes, Cotabato at Akmad Samin, 40, tubong Cotabato City at nakatira sa 1264 Salvacion st., Tondo noong June 8, 2000 sa Arlegui st., kanto ng Duque de Alba st., Quiapo, Maynila.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at WPD-Homicide Division, lumalabas na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga nabanggit na pulis sa pamumuno ni Tibor ang mga biktima na noon ay pinaniniwalaan ng awtoridad na kasapi sa MILF at responsable umano sa naganap na pambobomba sa Metro Manila kamakailan.

Subalit lumalabas na mga overseas Filipino worker ang mga biktima at nakatakdang magtungo sa ibang bansa.

Base naman sa mga salaysay ng mga pulis, napilitan umano nilang pagbabarilin ang dalawang Muslim matapos na una silang paputukan ng mga ito. Ang dalawang Muslim ay idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital bunga ng 17 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Niliwanag din ng mga pulis na ang kanilang ginawa ay isang lehitimong police operation laban sa mga bandidong Muslim na hinihinalang may kagagawan sa serye ng pambobomba sa Kamaynilaan.

Gayunman, lumalabas sa isinagawang pagsusuri ng mga chemist sa WPD-Crime laboratory, ilang araw matapos ang insidente na positibo sa powder burns ang anim na pulis na kabilang sa mga nabanggit na nagpasailalim sa paraffin test habang sa ballistic test ay positibo ang sampu na nagpaputok lahat ng kanilang dalang service firearm.

Lumalabas na hindi naman nagpaputok ng baril ang dalawang biktima kung saan ay may hawak din umano ang isa sa mga ito ng granada matapos na ang dalawang slugs na narekober sa crime scene ay hindi tumutugma sa .38 kalibreng baril na nakuha sa mga biktima.

Lumitaw na rub-out ang naganap na krimen at hindi shootout base sa unang naging deklarasyon ng pulisya na naging dahilan upang tuluyang isampa ng NBI sa Dept. of Justice ang kasong double murder laban sa mga naturang pulis-Maynila. (Ulat ni Ellen Fernando)

ABU SAYYAF

AKMAD SAMIN

AVELINO RAZON

BENEDICTO RODRIGUEZ

COTABATO CITY

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

MAYNILA

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with