Ex-Sen. Webb mahihirapang bumangon sa political career
February 19, 2001 | 12:00am
Maibabangon pa kaya ni dating Senador Freddie Webb ang kanyang political career matapos matalo sa kanyang ikalawang termino sa nakaraang halalan noong Mayo 1998 dahil sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Hubert sa Vizconde massacre noong 1991?
Ito ang malaking katanungan ng mga residente sa Pasay City matapos mabatid na ang dating senador ay nagbabalak tumakbo bilang congressman ngayong darating na halalan sa nabanggit na lungsod.
Ilang political leader ang naniniwala na mahihirapan na si Webb na maibangon ang kanyang political career dahil hindi pa umano nakakalimutan at sariwa pa anya sa alaala ng mga tao ang pagkakasangkot ni Hubert sa Vizconde massacre.
Nakatakdang makatunggali ni Webb sina Pasay City Councilor Consuelo Dy at incumbent Congressman Ding Briones. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended