Sintunadong kumanta tinodas sa videoke
February 19, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagkanta ng sintunado, isang obrero ang pinatay sa saksak ng hindi nakikilalang kostumer sa isang videoke bar sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital si Gonzalo Oliva, stay-in sa Takamaka Corp, Philippine branch sa Ninoy Aquino International Aiport, IPT3 Project.
Sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, regular kostumer ang biktima sa Jamstar videoke and restaurant na nasa R. Rodriguez st., Pasay at tuwing umiinom ang biktima ay hindi nito nakakalimutang kumanta.
Kamakalawa dakong alas-11:30 ng gabi ay muling nagpalipas ng oras ang biktima at uminom at nag-videoke.
Matapos kumanta ay bumalik na ito sa kanyang upuan nang bigla siyang lapitan ng di kilalang suspek na kostumer rin at pagsasaksakin.
Ayon sa ilang saksi, habang kumakanta ang biktima ay napansin na nilang iritang-irita ang suspek dahil na rin umano sa may pagka-sintunado ang boses nito. Ito ang hinihinalang dahilan ng pananaksak.
Ilang kostumer ang nagmalasakit na isugod sa ospital ang biktima pero namatay din.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang nasabing salarin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended