^

Metro

Pulis at misis nanggulpi ng mag asawa at driver

-
Nahaharap sa kasong robbery, physical injuries, grave threats at coercion ang isang pulis-Maynila at misis nito matapos umanong manggulpi ng isang mag-asawa at taxi driver na tumulong sa mga biktima ng isang vehicular accident, kahapon ng umaga sa Intramuros, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina SPO4 Cesar Teneros, nakatalaga sa Special Operations Group ng Manila City Hall at nasa ilalim ng WPD station 5 at asawang si Lyn, 38, kapwa nakatira sa #1970 Almayda st., Tondo.

Sa reklamo nina Rodrigo at Leny Evardone, parehong manager sa East Asia KTV sa Roxas blvd., Pasay City at taxi driver na si Leodegario Habab, nakasakay sila sa minamanehong taxi ni Habab ng may maganap na vehicular accident sa nasabing lugar.

Inihinto ni Habab ang taxi at bumaba kasama ang mag-asawang Evardone para tulungan ang mga pasahero ng nagbanggaang isang tourist bus at taxi.

Pero nauna nang nagtungo ang pulis at asawa nito at ng makalapit ang mag-asawang Evardone at si Habab ay nakita ng mga ito ang mga pasahero kabilang ang isang buntis na nasa loob ng taxi na sumisigaw na may tumangay ng kanyang alahas at pera na isang babae at itinuro ang mag-asawang Teneros.

Nang sitahin sina Teneros ay agad tinutukan ng baril sina Evardone kasabay ng pahayag ng misis ng pulis na "Papa, putukan mo na."

Matapos ang panunutok ay pinagpapalo ng baril ng pulis ang mga biktima. Nagsampa rin ng hiwalay na kaso ang pulis matapos umanong gulpihin rin ang kanyang misis ng mga biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CESAR TENEROS

EAST ASIA

ELLEN FERNANDO

EVARDONE

HABAB

LENY EVARDONE

LEODEGARIO HABAB

MANILA CITY HALL

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with