Suweldo ng WPD nabibitin sa rally
February 17, 2001 | 12:00am
Dahil sa sunud-sunod na pagsasagawa ng rally o kilos-protesta ng mga militanteng grupo kaya madalas na maantala ang suweldo ng mga kagawad ng Western Police District (WPD).
Ito ang hinanakit ng mga WPD personnels matapos na madalas na maipit ang kanilang mga sahod dahil sa hindi na umano naaasikaso ng mga babaeng pulis na nakatalaga sa WPD-Finance Department ang proseso ng pasuweldo bago sumapit ang kinsenas o katapusan ng buwan.
Niliwanag ng grupo na ang mga protesta ang siyang nagiging dahilan upang karamihan sa mga lady personnel na nasa ilalim ng Finance and Budget Division ay itinatalaga bilang disturbance team na unang humaharap sa mga ralista upang magmantine ng kaayusan at bunga nito, nauudlot ang kanilang mga suweldo.
Naging batayan ng grupo ang kautusan ng PNP na isailalim sa mga kilos-protesta ang mga kababaihang pulis na pinasimulan noong nakaraang taon.
Dahil dito, hiniling ng mga concerned WPD personnel sa tanggapan ni PNP Chief, Deputy Director General Leandro Mendoza na huwag nang isama ang mga lady contingent na nakatalaga sa finance and budget division upang maging maayos ang kanilang suweldo at maharap ang iba pa nilang pangangailangan.
Inihalimbawa noong Pebrero 13 nang magkaroon ng rally sa Mendiola na naging dahilan upang muling maging abala ang mga babaeng pulis kabilang na ang mga nakatalaga sa Budget and Finance Dept. ng WPD habang ang tseke na hawak nila na sahod sa mga WPD personnel ay hindi pa napipirmahan sa NCRPO noong Peb. 14 habang noong Peb. 16 na takdang araw ng suweldo ay muling nagkaroon ng rally sa tapat ng Supreme Court na tuluyang hindi naasikaso ang pasahod para sa kanila. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended