Mark Jimenez, nagpaulan ng pera
February 16, 2001 | 12:00am
Nagpapaulan ngayon ng pera sa ika-6 distrito ng Maynila ang kontrobersyal na si Mark Jimenez upang higit na palakasin ang kanyang intensyon na maging kongresista ng nasabing distrito ng Maynila.
Ito ang siyang ibinunyag kahapon ni Baptist-Evangelist Dr. Benny Abante na nagbigay-babala rin kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na isa umanong traydor at hindi dapat na pagtiwalaan si Jimenez.
Si Abante na dating naglingkod bilang Urban Poor Commissioner ay nagpahayag din ng pangamba sa ginagawang pang-aakit ni Jimenez ng kanyang mga botante sa pamamagitan ng salapi.
"Kung hahayaan natin ang tulad ni Jimenez na makapasok sa pulitika ay tiyak na hahayaan din natin na manumbalik ang dating uri ng maruming pulitika na walang ibang layon kundi ang silawin ang mamamayan ng salapi at pagkatapos ay dalhin sila sa balon ng kahirapan at pagsisisi," sabi ni Abante.
Binigyan din ni Abante ng matinding ehemplo ang Arroyo Govt. na ang tulad ni Jimenez ay hindi dapat na pagtiwalaan dahil na rin sa pangyayaring ito ay mayroong criminal record sa Amerika na kung saan ay nasasangkot ito sa illegal contributions sa presidential bid noon ni ex-Pres. Bill Clinton. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest