^

Metro

Agarao kinondena ng mga kasamahan sa CAV

-
May 20 miyembro ng Crusade Against Violence ang kumalas sa liderato ng tagapangulo nitong si Carina Agarao dahil sa umano’y kinasasangkutan nitong anomalya sa CAV.

Nabatid na may 30 kasapi ang CAV na samahan ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

Sinabi ng tagapagsalita ng kumalas na mga miyembro na si Juliet Cruz na kabilang sa naturang anomalya ang pagkawala ng P250,000 cash at ambulansya na donasyon sa CAV ng Department of Social Welfare and Development at ng Philippine Charity Sweepstakes Office na hindi maipaliwanag ni Agarao.

Iniangal din nina Cruz ang hindi umano makataong trato ni Agarao sa kanila at ang patuloy na pananatili nito sa puwesto na umabot na ng tatlong taon bagaman isang taon lang ang termino ng tagapangulo ng CAV. (Ulat ni Joy Cantos)

AGARAO

CARINA AGARAO

CRUSADE AGAINST VIOLENCE

CRUZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INIANGAL

JOY CANTOS

JULIET CRUZ

NABATID

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with