Anak ni Lydia de Vega nasagasaan, patay
February 14, 2001 | 12:00am
Maagang binawian ng buhay ang apat-na-taong-gulang na anak na lalaki ng dating Asias fastest runner track sprinter na si Lydia de Vega-Mercado matapos itong masagasaan ng isang pampasaherong dyip, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead-on-the-spot matapos mabasagan ng bungo at magkabali-bali ang mga buto ng biktimang si John Michael de Vega-Mercado, residente ng #2 Onrobia st., Project 4, QC.
Sa ulat ng Central Police District-Traffic Sector 3, kumalat ang mga bahagi ng utak at bungo ng biktima dulot ng tindi ng pagkakabangga dito ng dyip na nagpatilapon pa sa bata ng ilang metro.
Nabigo namang makunan ng pahayag si Lydia na kasalukuyan pa ring nasa state of shock makaraang malaman ang insidente.
Napag-alaman na ang dating athlete at asawa nito ay nasa loob ng kanilang bahay at naghahanda na patungo sa trabaho dakong alas-8:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa Onrobia st. kanto ng Cabesas extension, Project 4.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa na laban sa suspek na si Knorlee Valiente, 24, jeepney driver, ng Block 6 Lot 11 Vently Park, Cogeo, Antipolo City sa QC Prosecutors Office. Kasalukuyan itong nakakulong sa Camp Karingal sa QC.
Nabatid sa imbestigasyon na minamaneho ni Valiente ang kanyang pampasaherong dyip na may plakang DWL-811 at may rutang Cubao-Cogeo at patungong Cubao ng maganap ang trahedya.
Ayon sa suspek, umiwas siya sa trapik kaya dumaan sa nasabing lugar. Kadaraan pa lamang anya niya sa isang hump nang biglang tumawid ang biktima na nooy galing sa isang kapitbahay.
Hindi umano namalayan ng driver ang bata at hindi rin namalayan ng biktima ang paparating na sasakyan dahil may nakaparadang kotse sa tabi ng eskinita hanggang sa masalpok ang paslit. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest