Alitan sa trapiko: 4 katao nabaril
February 12, 2001 | 12:00am
Apat katao ang sugatan, isa ang kritikal matapos magkabarilan dahil lamang sa simpleng problema sa trapiko, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.
Kinilala ang mga biktimang sina Cerilo dela Cruz, 30, negosyante ng #39 dela Cruz compound, Bgy. Bagbaguin; Jose Noguera, 27, ng #790 Paso de Blas; Gideon Sison, 32, ng #794 Paso de Blas at Godofredo Goli, 45, ng #556 Paso de Blas, pawang ng Valenzuela City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente sa Gen. Luis road sa Bgy. Bagbaguin dakong alas-12:30 ng madaling araw.
Minamaneho ni dela Cruz ang isang puting L-300 van na may plakang UGA-797, sakay ang mga pasaherong sina Noguera at Sison, ng muntik silang mahagip ng isang pulang Mazda na may plakang UVN-482.
Dahil sa insidente, kapwa huminto ang dalawang sasakyan at bumaba ang mga sakay nito.
Nagkaroon ng argumento sa pagitan ni dela Cruz at di kilalang driver ng Mazda na armado ng baril at habang nagtatalo ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang tatlo.
Si dela Cruz ay tinamaan sa kaliwang braso habang sina Sison at Noguera ay nagtamo ng mga tama sa katawan at kapwa isinugod sa MCU Hospital.
Samantala ang bystander na si Goli ay tinamaan sa hita at dinala sa Valenzuela District Hospital pero inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa kritikal nitong kalagayan.
Nakarekober ang mga pulis ng 15 basyo ng mga bala ng 9mm caliber pistol sa crime scene.
Isang manhunt ang iniutos ni Valenzuela police chief Supt. Nemesio Neron laban sa di pa nakikilalang Mazda driver. (Ulat ni Pete Laude)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended