May-ari ng Kenny Rogers tiklo sa falsification
February 11, 2001 | 12:00am
Nagdiwang ng kanyang kaarawan sa loob ng kulungan ang isang negosyanteng ginang na nagmamay-ari ng sikat na Kenny Rogers food chain at ilang malalaking kumpanya kabilang ang isang banko, matapos itong arestuhin sa isang golf course sa Makati City dahil sa kasong umanoy falsification.
Kinilala ni Makati City police chief, Supt. Jovito Gutierrez ang suspek na si Bernardine T. Siy, 42, nakatira sa #44 Sto. Domingo st., Urdaneta Village nabanggit na lungsod. Si Siy ang nagma-may-ari ng lahat ng branch ng Kenny Rogers sa bansa, gayundin ang Marie France, isang sikat na physical fitness studio; Jag, isang kumpanya ng pantalon; Greystone Corp. at stock holder din ito ng Security Bank.
Inaresto si Siy dakong alas-6 ng gabi habang paalis sa Manila Golf Club sa McKinly Road Bgy. Forbes Park sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Makati City Regional Trial Court Branch 60 Judge Marissa Guillen matapos ireklamo ng isang Solita Jimenez, ng San Miguel Village, nasabing lungsod.
Sa pahayag ni Atty. Roger Nogales, abogado ni Jimenez, noong Disyembre 1997 ay ibinenta umano ni Siy sa kanyang kliyente ang Casa Madeyra, isang condominium na nasa San Miguel Village sa halagang P13.5M.
Nagbigay ng paunang bayad si Jimenez ng P1M sa nasabing petsa at karagdagang P2.4M noong Pebrero 12, 1998.
Pero nadiskubre ni Jimenez na ang ibinenta sa kanyang condo ay maraming depekto, pawang huwad umano ang mga dokumento at ang gusali ay hindi rin umano naiparehistro sa Register of Deeds.
Dahil dito, nagsampa ng kaso si Jimenez laban kay Siy.
Habang nakakulong si Siy ay nagdatingan naman ang umanoy ipinagmamalaking kaibigan nito tulad nina Makati City Congressman Butz Aquino, Quezon Province Cong. Danilo Suarez at dating National Security Adviser retired Gen. Lisandro Abadia. Si Siy ay kaagad rin nakalaya matapos magpiyansa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended