Lalaki ni misis pinatay, mister nagpakamatay din
February 10, 2001 | 12:00am
Isang housepainter ang pinatay ng kanyang kapitbahay at pagkatapos ay nagpakamatay ang huli nang mabalitaan ng huli na ang kanyang misis ay may relasyon sa una, sa Caloocan City.
Dead-on-arrival sa Tala General Hospital ang suspek na si Feliciano Gecha, 39, ng Sapang Palay, Norzagaray, Bulacan matapos magsaksak sa dibdib.
Kinilala naman ang biktimang si Reyandlo Raymundo, 43, ng #528 Waling-Waling st., Barrio San Roque, Tala na nagtamo ng 20 saksak sa katawan at namatay noon din.
Ayon kay PO3 Rolando Franco, ang insidente ay naganap dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima. Nanananghalian si Raymundo at kapatid niyang si Lisa, 43, nang biglang pasukin ng suspek na armado ng patalim.
Agad nitong pinagsasaksak ang biktima at umalis at nagtungo sa kanyang bahay na may ilang metro ang layo.
Dumating ang rumespondeng mga pulis sa bahay nito at inutusan ang suspek na sumuko na, pero tumanggi ang suspek kaya napilitan ang mga awtoridad na pasukin na ang bahay.
Dito nila natagpuan ang suspek na nakahandusay sa sahig at may saksak sa dibdib. Isinugod ito sa ospital pero namatay din.
Naniniwala ang pulisya na selos ang nag-udyok sa suspek para gawin ang krimen matapos makarinig ng mga balita tungkol sa umanoy panlalalaki ng misis na ang natsitsismis na ka-relasyon ay ang biktima. (Ulat ni Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended