Ayon sa source, si Moya ay pansamantalang inalis sa NAIA noon pang Pebrero 7 bilang security aide umano ni Manda dahil sa masamang report na natatanggap ng huli hinggil sa mga pinaggagawa nitong kalokohan.
Naging kontrobersyal cop si Moya nang pagtatakutin nito ang mga security guards na sumita sa kanya habang sakay siya ng kanyang sasakyan sa may MIAA Administration building.
Binulabog din umano nito ang MIAA pass control office nang hindi siya kaagad napagbigyan sa kanyang kahilingan na gawin agad ang kanyang annual access pass sa NAIA.
Bukod dito, sinagasaan naman ng grupo ni Moya habang sakay sila ng sasakyan ni Manda ang chain barricade sa may 505th sentry ng Philippine Air Force ilang metro lamang ang layo papasok sa runway ng NAIA.
Ayon sa source, halos magpalakpakan umano ang mga empleyado sa airport nang mabalitaan na wala na sa premier airport ang nasabing kontrobersyal na pulis.
Si Moya ay dating mainstay ng popular na television show "Thats Entertainment" pero hindi sumikat. (Ulat ni Butch Quejada)