^

Metro

Bank robbery!

-
Pinasok ng pitong armadong lalaki ang Bank of the Philippine Islands (BPI) at nakatangay ng hindi pa mabatid na halaga ng cash mula sa mga tellers at depositors ng banko, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon kay Supt. Benjardi Mantele, CPD-Station 10 chief, bandang alas-10:50 ng umaga nang looban ng mga suspek na nagkunwaring mga depositor ng banko sa Timog Ave., QC.

Dinisarmahan ng mga holdaper ang mga security guard nito habang tinutukan naman ng baril ang mga teller at depositor ng banko saka kinuha ang mga cash sa lahat ng tellers pati ang mga cash at kagamitan ng mga depositor, pero nabigong mabuksan ang vault ng banko.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang kulay gray na Toyota Tamaraw FX na may plakang WHL-701 na kanila ring inabandona sa kanto ng Scout Tuazon at Scout Bayuran sa Timog, QC.

Isang follow-up operation na ang inilunsad para tugisin ang mga bank robbers. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

BENJARDI MANTELE

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SCOUT BAYURAN

SCOUT TUAZON

TIMOG AVE

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with