^

Metro

Sirang kalye sa MM uumpisahan nang ayusin ng DPWH

-
Nakatakdang kumpunihin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga sirang lansangan sa Metro Manila matapos ipag-utos ni DPWH Secretary Simeon Datumanong kay NCR-DPWH Director Salvador Pleyto na ayusin ang mga kaliwa’t kanan na butas sa Kalakhang Maynila na siyang nagpapasikip ng trapiko.

Kabilang sa mga aayusin ng DPWH ay ang mga nasirang lansangan dahil sa isinasagawang pagkukumpuni ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT), Manila Electric Company (Meralco), Manila Water Co. Inc. (MWCI), Maynilad Water Services Inc. (MWSI), Smart, Globe at iba pang telecommunications firms at Cable companies.

Kaugnay nito, nilinaw ni Pleyto na bago gumawa ng hakbang ang mga nasabing kompanya ay nagpapaalam muna sa kagawan ng DPWH pero hindi na naibabalik ang lansangan sa oras na mahukay o masira na ito.

Sinabi pa ni Pleyto na lubhang nakasisira ng mga lansangan sa Metro Manila ang sobrang pagsasagawa ng "diggings" ng mga kompanyang nabanggit upang mailagay ang mga tubo at pagkatapos ay iniiwan na nakatiwangwang ang mga sinirang daan at pinababayaan ng mga taga-DPWH. (Ulat ni Jhay Mejias)

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR SALVADOR PLEYTO

JHAY MEJIAS

KALAKHANG MAYNILA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MANILA WATER CO

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METRO MANILA

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with