Bahay ng PSG official niratrat, nagpapahingang houseboy patay
February 8, 2001 | 12:00am
Isang pipi at binging houseboy ang nasawi, matapos pagbabarilin ang bahay ng isang opisyal ng Presidential Security Group (PSG) sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Bernardo Drigo, 27, binata, tubong Bo. Tagpuro, Tacloban City. Isang buwan pa lamang naninilbihan ang biktima bilang katulong sa bahay ni Supt. Antonio Viernes, na matatagpuan sa B.F. Resort, Las Piñas City, na nakatalaga sa Office of the President, Malacañang.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Willy Dalawang Bayan, ng Criminal Investigation Division, Las Piñas City, dakong alas-8:50 kamakalawa ng gabi ay nakarinig ng maraming putok ng baril ang ilang residente na nagmula sa bahay ni Supt. Viernes.
Nabatid na tinamaan ang biktimang si Drigo habang nagpapahinga ito sa loob ng kanilang servants quarter na kasama ang dalawa pang houseboy.
Sa teorya ng pulisya, posibleng ang target ng mga suspek ay ang nabanggit na opisyal subalit tinamaan ang namamahingang si Drigo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended