^

Metro

Grade one pupil ginamit sa drug deal; 3 pushers tiklo

-
Tatlong shabu pushers ang naaresto matapos itong ituro ng isang grade 1 pupil na kanilang drug courier sa isinagawang anti-drug operations kahapon ng umaga sa Payatas, Quezon City.

Naaresto ang mga suspek na sina John Ali Kulam Naaser, 22; Jun Torres, 38, driver at Yolanda Francisco, may-ari ng tindahan na pawang nakatira sa Everlasting st., Payatas, QC matapos ituro ng batang itinago sa pangalang Jericho, 9 anyos, grade 1 pupil ng Payatas Elementary School. Si Jericho ay naunang naaresto bandang alas-6 ng umaga kahapon sa harap ng McDonald store sa Payatas area.

Sinabi ni Jericho na inutusan lamang siya ng mga suspek na magbantay sa harap ng naturang food chain at hintayin ang isang lalaki na kukuha ng plastic bag na naglalaman ng 300 gramo ng shabu.

Subalit sa halip na ang buyer ng shabu ang dumating ay isang pulis ang kumuha ng plastic na naglalaman ng shabu saka inaresto ang batang si Jericho na nagturo naman kung sino ang nag-utos sa kanya para dalhin ang naturang droga hanggang sa arestuhin ang tatlong suspek.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law laban sa mga ito. Ang batang si Jericho ay nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development. (Ulat ni Rudy Andal)

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DRUGS LAW

JOHN ALI KULAM NAASER

JUN TORRES

PAYATAS

PAYATAS ELEMENTARY SCHOOL

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SI JERICHO

YOLANDA FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with