^

Metro

9-anyos na totoy nangarnap ng kotse

-
Matapos itakbo ang isang pampasaherong bus sa Quezon City noong nakaraang Disyembre 20, 2000, isang kotse naman ang umano’y "kinarnap" kahapon ng 9-anyos na batang kalye at minaneho mula Parañaque City hanggang sa bayan ng Taguig.

Si Jaypee Valleza, tubong Catanduanes at walang permanenteng tirahan sa Maynila ay namataan ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Taguig police dakong alas-8:45 ng umaga sa kahabaan ng Gen. Santos st., Bgy. Lower Bicutan habang minamaneho ang isang Ford Laser model 1981, may plakang NLD-910.

Ang naturang kotse ay nakaparada sa harapan ng Land Bank, FTI complex at pag-aari ng isang Alfredo Castano, ng #5097 16th st., Bgy. Sto. Niño, Parañaque.

Nabatid sa pulisya na matagal nang itinimbre sa kanila ang naturang sasakyan na isang "hot car" kaya ng maispatan ito sa nasabing lugar ay agad pinahinto ng mga pulis, pero nagulat ang mga ito ng di nila inaasahan na isang bata pala ang nagpapatakbo ng naturang kotse.

Ayon sa Taguig police, maaaring minaneho ng bata ang kotse mula sa pinagparadahan nito sa Parañaque City hanggang sa makarating sa Taguig.

"Driver kasi ang tatay ko ng bus sa aming probinsiya at tinuruan niya akong magmaneho noong nabubuhay pa siya kaya marunong akong mag-drive. Idol ko kasi ang tatay ko," pahayag ng bata.

Ang bata ay naglayas kaya napadpad sa Maynila. Nasa pangangalaga ito ng Department of Social Welfare and Development.

Kung matatandaan, si Valleza ay hinuli ng mga pulis sa QC matapos nitong paandarin at itakbo ang isang pampasaherong bus habang ang driver at konduktor nito ay iniimbestigahan sa CPD station 10 dahil sa kasong pambubugbog ng pasahero. (Ulat nina Lordeth bonilla at Rudy Andal)

ALFREDO CASTANO

ANTI-CARNAPPING UNIT

BGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FORD LASER

ISANG

LAND BANK

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with