^

Metro

3 miyembro ng 14K tiklo sa drug bust

-
Tatlong Chinese national na umanoy big time drug trafficker at miyembro ng 14-K drug syndicate ang naaresto at nakasamsam ng isang kilong shabu ang mga tauhan ng DILG-Special Task Force sa ginawang buy-bust operation sa isang hotel sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Carlos Baltazar, DILG-STF chief ang mga suspek na pawang mula sa Mainland, China na sina Lim Shu Hai alyas Ramon Lim, 40, ng Dynasty Tower, Bambang St., Tondo; Wang Shizhi alyas William Ong, 20, at Tai Ti Yun, 45, na pawang tumutuloy sa room 518 Skyrise hotel sa Aguilar St., Binondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni Supt. Baltazar, bumuo siya ng 10 man team para sumubaybay sa mga suspek ng isang linggo matapos na sila ay makatanggap ng impormasyon ukol sa operasyon ng mga ito sa nasabing hotel.

Bandang alas-12:30 ng madaling araw ng kanilang maaresto ang mga suspek matapos na magpanggap ng poseur-buyer ang isang operatiba.
Nang iabot ng poseur-buyer ang marked money kay Ong kapalit ng isang kilong shabu ay hindi na ito nakapalag ng sunggaban ng iba pang operatiba ng DILG-STF ang mga suspek.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa DILG holding center habang inihahanda ang kasong paglabag sa section 15 ng Article 3 ng RA 6425 o illegal sale of regulated drugs at walang piyansang inilaan ang Manila Prosecutor’s office para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

AGUILAR ST.

BAMBANG ST.

BINONDO

CARLOS BALTAZAR

DYNASTY TOWER

LIM SHU HAI

MANILA PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with