^

Metro

Puganteng Fil-Am na naglustay ng milyon dolyar health benefits, ipatatapon ng BI

-
Nakatakdang ipatapon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Filipino-American na matagal nang pinaghahanap sa Estados Unidos matapos madakip sa kasong paglustay ng milyong halaga ng dolyares ng federal government para sa Veteran health care benefits.

Sa ulat na tinanggap ni BI Commissioner Andrea Domingo mula kay Tom Natividad, deputy commissioner on Airport Intelligence Operations sa Ninoy Aquino International Airport, ang Fil-Am fugitive ay nakilalang si Romualdo Nisaya Garcia, isang retired US military serviceman.

Si Garcia ay nadakip kamakalawa ng pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng BI at National Bureau of Investigation (NBI) sa safehouse nito sa Bgy. Panganiban, Tayug, Pangasinan.

Ayon kay Natividad, si Garcia ang pinaniniwalaang ‘utak’ sa likod ng sindikatong nakikipagsabwatan umano sa mga Filipino doctors na nagsusumite ng mga huwad na health claims sa pamahalaan ng US ng mga beteranong Amerikanong naninirahan sa Pilipinas.

Nabatid pa sa ulat na si Garcia ay nakatakas nang ang tatlo nitong mga galamay na pawang ipinatapon na pabalik ng US ay maaresto noong Setyembre 7, 2000 ng mga awtoridad.

Sinabi pa ni BI-NAIA na si Garcia ay may nakabimbin na warrant of arrest na ipinalabas ng US District Court ng Western Wisconsin noong 1999 sa kasong multiple counts ng mail fraud and filing false, fictitious and fraudulent claims.

Napag-alaman pa na ang mga beterano na tumatanggap ng health care benefits ay mula sa Civilian Health and Medical Program of the Uniformed Services (CHAMPUS) na pinangangasiwaan ng Wisconsin Physician Services na nakabase sa Madison, Wisconsin, USA. (Ulat ni Butch Quejada)

AIRPORT INTELLIGENCE OPERATIONS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CIVILIAN HEALTH AND MEDICAL PROGRAM OF THE UNIFORMED SERVICES

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DISTRICT COURT

ESTADOS UNIDOS

GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with