^

Metro

Mister tinalakan, misis binoga, patay

-
Dahil sa sobrang kadaldalan, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang barangay tanod ang kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Leticia Sales, nakatira sa Blk 15 Isla Liit, Baseco compound, nasabing lugar, samantala naaresto ang asawa nitong si George Sales, 35.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Western Police District-Homicide Division, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa pera at sinimulang magtatalak ang babae.

Binalaan na umano ng suspek ang biktima na nais na niyang magpahinga at matulog, pero di naman ito inintindi ng ginang at itinuloy ang pagsesermon sa kanyang mister.

Napikon ang suspek at binunot ang kalibre .45 baril at pinaputukan ang asawa na tinamaan sa dibdib.

Ayon sa suspek, hindi umano niya akalaing hahantong sa pagkamatay ng kanyang misis ang kanilang simpleng pagtatalo.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong parricide laban sa suspek na ngayon ay nakakulong sa WPD detention cell. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

AYON

BASECO

BINALAAN

DAHIL

GEORGE SALES

GRACE AMARGO

ISLA LIIT

LETICIA SALES

PORT AREA

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with