^

Metro

Alindog Group lansag; 5 miyembro timbog

-
Limang umano’y miyembro ng kilabot na Alindog Group drug syndicate ang bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation Group na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P4.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Zapote Junction, Las Pinas City.

Kinilala ang mga naarestong sina Reynante Lara, 42, ng Imus, Cavite; Ellan Tolentino, 28, ng Novaliches, QC; Nenita Lopez, 45, ng Dasmariñas, Cavite; Justina Ilawan, 53, ng Dasmarinas, Cavite at Estelita Legaspi, 39, ng Imus, Cavite.

Nakumpiska sa mga ito ang 2.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.8M, P2.8M marked money at isang kotseng Toyota Corolla na may plakang UTL-751.

Nabatid kay Supt. Gaudencio Cordora, hepe ng CIDG ng Southern Police District, nakatanggap sila ng impormasyon na makikipag-transaksiyon ng droga ang grupo sa Zapote Junction kaya isang buy-bust operation ang ipinain.

Dakong ala-una kamakalawa ng hapon ay nakipagkita ang isang poseur-buyer sa mga suspek at habang nagkakaabutan ng pera at droga ay mabilis silang dinakip.

Napag-alaman na ang mga suspek ay kaanib sa organisadong grupo ng kriminal na nakabase sa Malagasang, Imus, Cavite at itinuturong responsable sa malawakang pagpapakalat ng illegal na droga sa Metro Manila at Cavite. Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang mga suspek. (Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

ALINDOG GROUP

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP

ELLAN TOLENTINO

ESTELITA LEGASPI

GAUDENCIO CORDORA

JOY CANTOS

ZAPOTE JUNCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with