^

Metro

Ebidensyang shabu binawasan, ibinenta ng police official

-
Matapos na pagkalooban ng komendasyon bunga ng pagkakadakip sa tatlong hinihinalang drug pushers kasabay ng pagkakakumpiska sa mga ito ng isang kilong shabu, isinailalim kahapon sa technical arrest ang hepe ng Drug Enforcement Group (DEG) ng Western Police District (WPD) Station 9 makaraang matuklasan na "binuriki" o binawasan nito ng halos kalahating kilo ang nasabing ilegal na droga.

Agad ipinag-utos ni WPD Director Chief Supt. Avelino Razon Jr. kay Supt. Amador Pabustan, hepe ng PS-9 na disarmahan at sibakin bilang hepe ng DEG si SPO4 Norberto Murillo matapos na matuklasan na kulang ng mahigit 300 gramo ang may isang kilo ng shabu na nakumpiska sa tatlong naarestong suspek noong Miyerkules ng hapon sa San Andres, Maynila.

Natuklasan ang kakulangan ng naturang ebidensya matapos na timbangin sa WPD Crime Laboratory ang nakumpiskang shabu matapos na i-turn-over ito ng Station 9 sa Scene of the Crime Office (SOCO).

Sinabi naman ni Murillo na kaya umano ito binawasan ng 300 gramo ay para gamitin niyang ebidensya sa paghaharap ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Gayunman, hindi pinaniwalaan ni Pabustan ang alibi ni Murillo at nabatid na ibinenta lamang ang binawas na 300 gramong shabu upang muling ibenta at pagkakitaan.

Magugunitang iprinisinta pa sa tanggapan ni Manila Mayor Lito Atienza ni Razon ang mga nadakip na suspek na sina Joselito Noque at mag-asawang Ariel at Alda Bansao sa isang buy-bust operation sa San Andres at binigyan pa ng komendasyon ni Atienza si Murillo. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALDA BANSAO

AMADOR PABUSTAN

AVELINO RAZON JR.

CRIME LABORATORY

DIRECTOR CHIEF SUPT

DRUG ENFORCEMENT GROUP

ELLEN FERNANDO

JOSELITO NOQUE

MURILLO

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with