Sa pahayag nina Arvin Surigao, 10; Janet Cadenoy, 9, at Maybelyn Roparoso, 10, pawang mag-aaral ng Gen. Roxas Elem. School sa Roxas District, bandang alas-6 ng umaga pagkatapos ng flag raising ceremony ay nagtungo ang tatlo sa kanilang chapel para linisin ang imahen ng biglang magulantang si Cadenoy ng makitang lumuluha ng sariwang dugo ang naturang rebulto at sa sobrang pagkabigla at takot ay nagsitakbo ang mga estudyante.
Ipinaalam ng mga bata sa kanilang mga guro ang kanilang nasaksihan hanggang sa kumalat ang balita at dumugin ng mga relihiyoso at mananampalataya ang naturang chapel.
Naniniwala naman ang ilang school officials na maaaring may ibig ipahiwatig na mensahe ang ating Inang Birhen sa sangkatauhan kaya ito nagmilagro sa pamamagitan ng pagluha ng dugo sa harap ng tatlong mag-aaral.
Wala pang opisyal na pahayag ang simbahang Katoliko kaugnay ng nasabing milagro habang patuloy pa ring dinadagsa ng mga deboto ang nasabing santo. (Ulat ni Rudy Andal)