^

Metro

Maganto nagbitiw, Katapat 2 pinabubuwag

-
Hindi na hinintay ni Chief Supt. Romeo Maganto na sibakin pa siya ni Interior and Local Government Secretary Jose Lina Jr. bilang hepe ng DILG-Katapat 2 kundi nagbitiw na ito sa kanyang puwesto kahapon makaraang irekomenda ng mga regional directors na buwagin ang nasabing grupo ng heneral.

Sinabi ni Maganto sa mga mamamahayag kahapon na nagsumite na siya ng kanyang resignation bilang hepe ng Katapat 2 makaraang magkaisang irekomenda ng mga regional directors kay Sec. Lina na buwagin ang grupo nito sa lahat ng rehiyon.

Ayon kay Maganto, siya umano mismo ang nagrekomenda na buwagin ang kanyang Katapat 2 at maging ang Special Task Force at Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) bilang pangulo naman ng Police "ROTC Graduates" for Integrity, Morality and Order (PRIMO).

Winika ni Maganto, inirekomenda umano niya ito upang magkaroon ng free-hand si Sec. Lina sa isasagawa nitong pagbabago sa PNP organizations.

Kamakailan ay pinulong ni Sec. Lina ang lahat ng DILG regional directors hanggang sa hilingin naman ng mga ito sa kalihim na buwagin ang Katapat 2 ni Maganto sa lahat ng regional offices dahil sa pagkakaroon nito ng "duplication" of work sa PNP.

Itinayo ni dating DILG Sec. Alfredo Lim ang Katapat 2 na pinamunuan ni Maganto upang hulihin ang may 360,000 loose firearms sa bansa pero hindi umano nakasaad sa kautusan ni Lim na dapat maglagay pa ng regional offices ito.

Sa panahon ng Katapat 2 ay mas malaki pa rin ang nakumpiskang mga loose firearms ng PNP sa pamumuno ni dating PNP Director-General Panfilo Lacson kaysa sa grupo ni Maganto.

ALFREDO LIM

CHIEF SUPT

DIRECTOR-GENERAL PANFILO LACSON

KATAPAT

MAGANTO

MORALITY AND ORDER

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

ROMEO MAGANTO

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with