Chairman's office ng PCGG nilooban
February 2, 2001 | 12:00am
Pinangangambahan na maaaring naitakas ng mga hindi nakilalang lalaki ang ilang mahahalagang dokumento ukol sa kaso ng pamilya Marcos sa umanoy "ill-gotten wealth" ng mga ito matapos na looban kahapon ang opisina ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Magdangal Elma, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Nabatid na natuklasan ang naturang insidente dakong alas-7:55 sa ikalawang palapag ng IRC Bldg. sa EDSA, Mandaluyong City, ng janitor nito na si Lito Ancasdo nang kanyang pasukin ang opisina ni Elma upang linisin. Ayon sa kanya, nabungaran niya ang buong opisina na magulo at nagkalat ang mga papeles.
Agad namang rumesponde ang mga elemento ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Mandaluyong police at natuklasan na nawawala ang isang cellphone, bracelet, P2,000 cash, ang 9mm baril na pag-aari ni Chairman Elma.
Nabatid sa paunang pagsisiyasat na ang hindi nakikilalang magnanakaw ay dumaan sa butas na kinalalagyan ng air-con unit matapos na baklasin ito sa likuran ng gusali kaya hindi napansin ito ng mga security guards.
Ayon kay PO3 Norberto Dionisio ng SOCO, maaari umanong tinangay na lamang ng mga suspek ang naturang mga gamit at salapi upang lumabas na pagnanakaw ang pakay ngunit maaaring ang tangka ng mga ito ay ang mga importanteng dokumento na nakalagak dito.
Ayon naman kay Lilia Yangga, secretary ni Elma na wala namang mahalagang papeles na nawala sa naturang opisina dahil sa nailipat na ang mga dokumento ukol sa kaso ng mga Marcos sa kanilang library dahil sa hindi na nag-uulat si Elma matapos na magpalit ng administrasyon at magsumite ng kanyang resignation letter kay Pangulong Arroyo noong Enero 22. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest