^

Metro

Pulis nilikida sa video karera

-
Pinagtulungang tagain at saksakin hanggang sa mapatay ng apat na lasing ang isang pulis-Maynila habang naglalaro ang huli ng video karera machine sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din si SPO1 Victoriano Cortez, 43, nakatalaga sa Western Police District-Police Station 7 sa Abad Santos, Tondo at residente ng 1153 Sunflower st., Kagitingan, Tondo bunga ng 10 taga sa ulo at leeg at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto ang isa sa apat na suspek na si Elmon Solis habang nagpapahinga sa kanilang bahay, samantala pinaghahanap pa ang tatlong suspek na sina Rodel Garcia, Linggit Dizon at kapatid ni Solis na si Elmer.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw habang naglalaro ng video karera si Cortez kasama ang apat na suspek sa isang bahay na matatagpuan sa #1123 Esmeralda st.

Ayon sa saksing si Villamor Cortez, 42, pinsan ng pinatay, bigla na lamang hinataw ng mga suspek ang nasabing pulis ng itak at patalim.

Sinabi ng saksi na iniwan niya ang kanyang pinsan na naglalaro ng video-karera sa nasabing bahay nang dumating ang lasing na mga suspek at pilit umanong pinaaalis ang mga naglalaro na ikinainis ng pulis hanggang sa magkaroon ng pagtatalo.

Umalis ang mga suspek at nang bumalik ay may dala nang mga itak at patalim at pagtulungang tagain at saksakin ang biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

ABAD SANTOS

AYON

ELLEN FERNANDO

ELMON SOLIS

LINGGIT DIZON

MAYNILA

RODEL GARCIA

VICTORIANO CORTEZ

VILLAMOR CORTEZ

WESTERN POLICE DISTRICT-POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with